Image

8 Essential Bike Tools and Accessories You Need Para Swabe ang Ride | Pandemic Edition


Maraming nagtatanong na newbie kung anu-ano ba ang mga dapat i-upgrade sa kanilang mga bagong biling bike. Maganda mag upgrade ng bike, kaya nga ang daming may sakit ngayong upgraditis. It improves your bike specs, it helps you advance your speed, and make your riding more comfortable. Pero bago mag upgrade, mas magandang meron tayo ng mga maski basic tools at o reserbang gamit na dala-dala bago tayo mag ride—maiksing route man o long ride.

On this blog, I’ll enumerate the tools I always bring na nasa bag bikes ko na. Para kung masiraan man ako sa daan (maski napakaraming bike shop sa Marikina), ready ako. Pero syempre, para hindi masiraan, dapat safe muna tayo sa pag ride. Kasama na rin rito ang mga bike items na pwede niyong bilhin to keep you safe while riding.


Bike hand pump


Super shoutout kay Lodi Gwi kasi binigay niya ito sa akin!

Ito ‘yung pambomba ng gulong. Lagi ko itong dala kapag nagba-bike. Most of the time, clever pumps na ang mga ito o kaya naman ay ‘yung reversible. Ibig sabihin, pwede na sila ano mang valve or pito ng gulong mo—mapa Presta, Schrader, or Dunlop (ito 'yung usually valve or pito ng Japanese Surplus Bikes).




Makakabili rin kayo ng bike hand pump na merong kasamang guage or kung saan niyo makikita kung pumapalo na kayo sa PSI niyo (ibang usapan pa itong PSI pero long story short, makikita niyo ito sa gilid ng gulong ng mga bike niyo).


Kapag reversible ang nabili mo, bubuksan mo lang ‘yung mouth ng pump, at babaligtarin ang rubber at ‘yung plastic sa likod ng rubber para maging useable sya sa certain valve na meron ka. Napaka helpful nito lalo kung wala kang madaanang gasolihan at hindi pwede sa air station ‘yung valve na meron ka. In translation, Presta at Dunlop (na walang adapter).


Pocket-size multi-functional tool kit


Very useful din ito lalo kung mahilig ka mag butingting ng bike (like me!) Pero ang goal talaga nito since pocket-size siya, madali mo mabibitbit.



May allen or hex screw sets, may phillips at screw driver, mini wrenches, at socket wrenches that come in different sizes. Sakto sa mga screw, nut, at bolt ng mga bike. So kung may maluwag na screw and mini bolt and nut sa bike mo at may dala kang bike tool kit, maaayos mo agad. Example, gumalaw ‘yung brake pads mo kasi lumuwag, masisikipan mo agad using the allen or hex screw.

No need na pumunta talyer (kung saan usually, na di-discriminate tayong mga babae o kaya ay hindi pinapansin because of our gender) if minimal fixes lang ang gagawin gaya nang paghigpit sa mga screw. Makatutulong din if you will learn how to fix those loose screws and other hinges sa bike mo, para syempre, magamit mo ‘yung tool kit!


Bike lock 


Ito na ata ang isa sa mga laging binibili kapag bumibili ng bike. Minsan, kasama na siya as a freebie. Pero alam niyo bang may iba’t ibang klase pa rin ng bike locks? Merong de code, merong de susi. Pinaka common ang mga cable lock. Sila rin kasi ang pinaka mura. However, sila rin ang pinaka madaling maputol gamit ang wire or bolt cutter. 



Meron na ring mga bago ngayon ng bike locks na parang DNA strand (haha, hindi ko ma describe nang maayos) na gawa na sa alloy, covered na lang ng plastic. ‘Yung ginagamitan ng nut locks. ‘Yung iba mukhang DNA strand na diretso. ‘Yung iba, mukhang hamburger dahil circular kapag hindi naka collapse. Pero mas common na heavy duty lock ang u-lock. Pang malakasan daw ito, mukha lang mabigat. Tho, mabigat talaga. Hindi basta-basta mapuputol ng mga wire o bolt cutter. 


Pero may isang technique para hindi mawala ang bike mo, may lock ka man o wala—’wag mo iwanan. Huhu, ang corny ng joke ni Jai sa akin. Pero sana talaga, wala nang mawalang mga bike kasi hindi naman tama na manguha tayo nang gamit nang may gamit.


Lights: Tail at Front Light


Lalo sa mga nag na-night ride, mga pauwi nang bahay o night shift papasok sa work, malaking tulong ang paglalagay ng ilaw sa harap at likod ng bike. Most lights for bikes have blinker function at steady light function. Meron din namang may light sensor na automatic namamatay kapag maliwanag ang dinadaanan mo. Ganito ‘yung gamit ko sa harap ng bike ko while I use red tail light sa likod.



Para safe ka bilang rider at para na rin sa mga makakasalubong mo sa daan, pedestrian man, kapwa rider, o ibang motorista, makikita mo sila at makikita ka nila. Kaya bili ka na ng ilaw. Hindi lang naman ito to make your bikes look flashy and kewl (cool).


Tire patch kit and/or extra interior


Tire patch kit, ito ‘yung gamit kapag na puncture o nabutasan ka ng gulong. Lagi rin akong may dala nito sa saddle bag ko. Helpful ito kung wala kang dalang extrang interior at maliit lang naman ang butas. Mas tipid kasi mas mura ito kaysa bumili ka ng bagong interior tapos magagamit mo pa naman ang existing mo, kailangan lang takpan ang butas. Makakabili ka na nito na isang set na. 


Usually inclusion ng kit:

1 Tire repair glue

8 Cold tire patch

2 Tire lever

1 Tire metal rasp file

2 Valve rubber cores (nawala ko 'yung isa nung akin)

1 Carry box


Extra interior, ito naman ‘yung pinaka gulong mo o ‘yung tube. ‘Yung hinahanginan, kung nasaan ang pito o valve. Iba pa ito sa exterior, ah? Exterior ‘yung cover. So kung wala kang patch kit at marunong ka magpalit ng interior ng gulong, hindi mo na kailangan maghanap ng bike shop kung saan ka makabibili. 



You have to make sure ding match ang extra interior mo sa rims at exterior mo. Makikita sa exterior ng gulong kung ano ang size ng gulong mo. Example, 20 x 1.75 ang nakasulat, pwede kang mag 20 x 1.5 or 1.75 na interior. Wag mo na lalakihan kasi hindi sila match. Weird naman na mas malaki ‘yung nasa loob kesa sa pang cover, di ba? Paano mag ka-kasya?


Water bottle na may water


Sabi nga ni Mimiyuuuh, “Drink your water, bitch!” Self-explanatory na ito, explain ko pa ba? Haha!



Makakabili ka rin ng insulated water bottle o kaya naman ‘yung normal plastic lang na pull top. Tapos kapag hindi insulated ‘yung water bottle mo, pwede ka rin namang bumili ng insulated water bottle bag. Not so sure lang if effective pero kung wala kang water bottle holder, pwedeng container ang bag na ito tapos lagay mo sa handlebar. 


Helmet


Cycling is not a dangerous activity. It's the poor infrastructure that makes it look like it's dangerous. In a country like the Philippines, wearing a helmet is important. Kasalanan mo na lang lahat, eh, no?! Banas! Kala mo 'di ka nagbabayad ng tax, e. Pero helmet is also an added protection for you.



Maski sa malapit ka lang pupunta, wear your helmet, if you have. Mas OK nang safe ka kasi hindi naman natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa daan lalo na sa Pilipinas na unsafe for bikers ang mga kalsada natin, maski may mga bike lane na. Dahil some bike lanes, are not really that conducive. Mema lagay lang. So let's call for safe and inclusive roads, shall we? And let's ask for accountability from the authorities.


Privilege para sa akin ang magkaroon ng helmet lalo na ‘yung quality kasi mahal ang mga ito. Kaya nage-gets ko naman na hindi lahat, makabibili ng helmet. Kaya sana, instead na pag multahin natin ‘yung mga walang-wala talaga, sana bigyan natin sila ng helmet na pwedeng gamitin. Lalo na sina Lolo at Lola na nag sa-side car o nagta-trabaho gamit ang bisikleta pa rin sa edad nila. At ikaw na may pambili ng helmet, bili ka na, ah? Tapos gamitin mo. Huwag mo lang i-display. 


At dahil pandemic... mag i-isang taon na tayong lockdown or under quarantine, ano na?


Extra face masks


Ngayong pandemic, let’s be responsible riders. Para na rin sa ating safety. Mahirap at “sagabal” sa paghinga ang pagsuot ng face mask pero kailangan. Chill lang sa pag sikad para hindi maghabol masyado nang paghinga. Pwedeng tanggalin sandali para makahinga nang mas maayos but make sure na ibabalik din.


At since active hobby or activity ang biking, mapapag pawisan kaya mabuting may dalang extra face mask lalo kapag long ride.


So again, before you upgrade your still working gears and bike parts, make sure you already have the basic tools and accessories that will make your ride safe! Saka para tipid. Haha! Ride safely, y’all!





Comments

  1. Mag-aaral na ba akong mag-bike? Hindi ako marunong gumamit ng tools.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, Chrispy. Para aral ka na rin tools, kung gusto mo, at sabay na tayo bike. :)

      Delete

What do you think, Awesome?