Merong event today and tomorrow sa Manila for cyclists and scooter riders (ano ba tamang term) na you have to ride around Manila and take a selfie when you reach the 18 designated stops. You will get a shirt after finishing the loop!
Dahil mga wala kaming pera pambayad ng registration fee na PHP800.00 plus, ginawa na lang namin siya kahapon. Charot lang sa wala kaming pambayad. Hahaha! Meron naman pero nagtipid kami para may pambili kami ng bike parts panggamot sa aming mga upgraditis. Nah. The real reason was, WALANG NAG SIGN UP sa amin maski pinag-usapan na namin noong nag send si Dawn so sabi ko, gayahin na lang namin tapos gawin namin ng Friday, February 12, since holiday at dahil hindi ako pwede ng weekend. And for sure, baka maraming tao or participants sa event despite implementing physical distancing that only 50 to 100 people lang ata ang pwedeng sumali, hence the registration. Ako talaga nambudol this time.
So from Marikina, nagkita kami ni Kev around 5 AM sa national rendezvous — sa Marikina Clock Tower — tapos kinita namin si Da sa Welcome Rotonda/Rotunda (whichever fits your tongue and ears). Nasa Luneta na ata kami ng mga 6:15 or 6:30 am? I covered a total of 43.41 km yesterday, Marikina to Manila to Marikina, according to my Strava data. Bait talaga ni Kev, kahit kailan. Hinatid din niya ako pauwi. Dagdag ahon at distance! Sorry na talaga sa confidence kong makakabili tayo ng tubig, wala pala akong pera! Haha! Salamat din at kasama si Da, si Mayor na sumagot ng foodsz namin.
Anyway, wala naman kayong matututuhan masyado sa entry na ito dahil gusto ko lang mag share ng photos mula sa 18 stops na ginawa namin. But here are the places where you can roam around if you decide to bike around Manila:
First stop: KM 0 Marker sa Luneta featuring the three kids na ayaw lumapit sa marker dahil ayaw namin mawalan ng panlasa. Ang daming tao!
(L-R) Kev, Thei, Da
MgaBatangAyawLumapitSaKMZeroMarkerDahilAyawMawalanNgPanlasa.jpg
Kuya, excuse. Gusto ko lang makunan 'yung marker! At physical distancing po!
Ayan, kita na 'yung marker.
National Museum of the Philippines:
Fort Santiago featuring our question, Ano nga ulit essence ng Fort Santiago sa history?! Sorry na sa lahat ng history teacher namin pero na figure out din naman namin after a few minutes... the bars that cradled Rizal. Ang panget ng description ko. Preso tas cradle. Huhuhu.
Sign says, "Fort Santiago | Open Daily 8:00 to 21:00 | Entrance fee: PHP75.00; PHP50.00"
Shot of the inside from the outside. Bawal pa pumasok since ang aga namin at nagtitipid nga kami, may entrance fee!
Of course, the compulsory bike photo.
Manila Cathedral:
Plaza de Santa Isabel Monument:
Medyo nahirapan kami hanapin ito dahil may harang 'yung daan. Inaayos, as in may bungkal. So napaisip kami paano 'yung event bukas slash kanina?
Calle Real (À la Calle Crisologo ba ito ng Vigan?):
Oo nga! At tagtag kung tagtag po.
San Agustin Church (Ang daming simbahan sa loop na ito, ah. Paraan ata ito ni Lord para magpunta raw ako ng church):
Nasa tapat lang siya ng Casa Manila. Both of them are in Calle Real. Sabi sa inyo, ang daming simbahan sa loop na ito, eh.
Ang sarap mag bike sa Intramuros, ah! Gusto ko talaga i-try 'yung Bambike! Sa susunod!
Manila Loop Kuno with the Boys!
Jones Bridge (Nasaan si Oh, Mando?!):
Hindi ako maka decide anong photo mas OK so I'm uploading both. May joke na caption sana ako pero huwag na lang. Yoko na! Haha!
Linis tignan. Well, malinis naman talaga!
Payaman 'yung lamppost.
Without the lamppost up close. Hindi rin ako maka decide, basta alam ko, ang ganda ng langit. Thank you for the nice and pretty weather, Fafa God!
And we're off to Binondo to celebrate Chinese New Year. Kidding! But yes, we're off to Binondo.
Binondo Church:
The tatlong eggnog again.
Chinatown (Happy Chinese New Year!):
Syempre, sa bungad na lang kami nagpicture. Ang busy ng Chinatown, despite the pandemic. ABS-CBN was having coverage and there were a lot of cauliflowers on the sidewalks!
Da: Bakit ang daming cauliflower?
Me: Baka harvest season? Ay! Baka para sa mga magcha-chopsuey! Kasi Chinese New Year!
(Ano raw, Althea?)
Mendiola:
Makibaka! Huwag mashokot!
At may kasalanan kami ni Da pagtawid dito. Huhuh! Hindi namin napansing red na 'yung light. Akala ko kasi traffic light si Kev na 'pag umaandar si Kev, go pa rin. Eh inabot kami. Hahah! Sorry, Lord!
San Sebastian Church (nabilang niyo ba ilang simbahan na lahat ito? Pwede niyo na isama lahat sa Visita Iglesia):
Ang ganda nito tignan habang nasa bike ka tapos papalapit ka na. Kala ko nasa Rome ako. Basta, ibang bansa! Of course, I've never been to Rome so not really sure if tama comparison ko.
After nito, kumain kami sa bakery. Salamat ulit, Mayor Daryl, may foods kami ni Kev. Sorry na ulit. Hindi na ako magdadala ng wallet sa susunod para legit na wala na talaga akong pera. Wallet-wallet pa, wala namang perang laman!
Ayala Bridge:
Daaaaa!
Eggnog Thei-Thei
From Ayala Bridge, pinaspasan na namin. Ang taas na ng araw, eh! Sayang naman mga skin naming only a certain doctor touches...
Paco Park (Ito, naaalala ko namang dito hinimlay si Rizal):
Mag alcohol daw muna bago pumasok at bawal ang bike sa loob. Hindi na kami pumasok kasi nga, naghahabol na kami... dahil hinahabol na kami ng araw. Ang sakit sa mata, ah? Hindi na kasi ako naka transition lens. At napuwing din pala ako paakyat ng Jones Bridge before hand. BOTH EYES. Hayip. Squint all the way!
Lagusnilad Underpass:
Bawal din daw ang bike. Paano kung gusto tumawid para safer? Hay, sadla.
Nakaka miss naman 'yung mga paninda rito, lalo 'yung Books From Underground. But I saw an article saying it's the only business that is allowed to continue operating in Lagusnilad. Unfortunately, hindi namin nakita, if it's true, kasi hindi naka lock mga bike namin from this part.
Manila City Hall:
Ganda talaga ng sinag ng araw kahapon! Natural light!
Andres Bonifacio Monument Park:
Those clouds!
To end it, KapeTolyo:
This is where the loop ends. So the event was supposed to start at 9 AM, according to the site. So we guessed na dito na kakain 'yung mga sasali at magbibigayan ng shirts kasi open area saka napapaligiran siya ng park. It's a place within a park, like that! Also, there's a FREE and AIRCONDITIONED public restroom! Kudos naman, ah!
Syempre, we need to cap our adventure off with an obligatory groufie! Thank you, Da at Kev sa pagsabay sa trip ko. Haha! Sayang, hindi nakasama sina Dawn but next time. Iba naman. 'Yung mas mahirap 'yung sa kanila, chos!
Kev led the way back. Syempre, balik muna kami Quiapo. This time, sa kabilang side. Ang daming bike shop! Tapos may mga accessory at mga jersey rin silang tinda!
Wala akong picture ng mga bike shop kaya city snap na lang.
Kev and Da pumping some air sa roadie ni Da para swabe lang.
Dumaan kami sa Sintang Paaralan, tanglaw ka ng bayan!
So this is the facade of the college where we, the three of us, graduated. PUP's College of Communication. Ay, hindi ko pala nasabing magka-kaklase kaming tatlo. Sorry na, hindi ko na flinip 'yung shot. Nasa caption naman na. COC also means, College of Champions daw. LOL.
And of course, the Polytechnic University of the Philippines aka Pila Ulit, Pila or Pamantasang Utak ang Puhunan. Ang yayabang. Akala niyo mayabang na 'yung COC as College of Champions?!
Nag San Juan kami pauwi tapos naghiwalay sa e-rod. Tama ba naaalala kong sa San Juan kami pina ahon ni Kev? At flex ko lang, hindi ako bumaba ng bike ko sa mga ahon. SA LUSONG sa Libis, bumaba ako. Hahah! Takot talaga ako lumusong sa highway. Tapos inabutan ako ng red light din so nilakad ko 'yung bike ko at nag pray na padaanin muna ako ng mga sasakyan pagtawid ko. Thank you ulit kay Kev sa walang katapusang pag guide on top of paghihintay sa bawat section at pag guide naman ni Da from the back. Wala, eh. PSG, eh! HAHAHAH!
Hay nako, Althea. Wala ka nang maayos na sinulat sa blog na ito.
Till the next ride slash budol!
Ang sakit ng legs ko pag uwi. Nabanat sa kaka pa ahon! At tingin ko, kagaganito namin, kaya ko na mag bike to work! Safe bike parking space na lang kulang, oh!
Photos taken using Huawei Numbah One P30 Pro, edited via VSCO. Unpaid post po ito pero baka naman, no?
Comments
What do you think, Awesome?