Image

Arts and Crafts Mode On: DIY Organizer

Feeling accomplished ako ngayong shutdown !

Shutdown:

noun
  • The almost two-week Christmas Break of the employees of ALKFI. Ang panahon kung saan nakalatay lang kami sa aming mga kama, nagpapahinga, o di kaya ay may Netflix and Chill status, kala mo naman talaga may ka-chill (according to the description of Urban Dictionary).
  • Pwede rin itong bakasyon daw pero may mga kumo-contact pa rin sa inyo para sa trabaho. HAHAHA! Boom, badoom, doom, bass! Uy, guilty. Chos lang! (Hello, Anneth? Ilang chat pa na Ma'am Thea? HAHAH!)



OK, OK. So kahapon, nakapag laro kami ng badminton nina Arrabel. Best in uniform nga pala si Arra. Naka terno na purple Adidas ba 'yun? Tapos nakasama rin namin si Mischelle, finalleh! Kala mo sobrang busy, hindi nagpapakita. Tho ginawa niyang tennis ang badminton at gusto niya raw mag volleyball, digs lang. Hindi naman intrams kahapon, eh.


Mas cute pala ako kapag nakatakip parts ng mukha ko sa photos. Ganito na lang gawin ko lagi. Nagtago si Arra. Sayang ang uniform!


Hanap daw siya Crown Prince. Chos.

Isang oras kaming naglaro. Mga napagod agad! Kesyo mga hindi na nag e-exercise. May group chat kaming tatlo ni Arra, ako, at Quel. Galing. Name ng GC, Jogging Buddies pero puro BIG FISH ang laman saka saan kakain kung lalabas? So, ending kahapon, nag Yellow Cab kami.


At hindi lang iyon. Nag 7 Eleven pa na may malaking ice cream. Napaka mahal! Apat lang kaming kakain. Ako pa ata ang pinaka kaunti ang kinain dahil hindi nga ako fan ng ice cream. Syempre, ang pinakamaraming kinain, hindi ko naman sinasabing si Raquel 'yon. Lord, sana 'di niya ako sapakin kapag nabasa na niya ito. At Christmas Party pala talaga ito! I got a new cap from Raquel! (See at the footer-ish part)


Bukod sa nakapag badminton ako kahapon, at after three years, nalaman kong kakaiba pala ang design ng sapatos ko, kailangan ng blue light para makita ang design na dajshdlashfjkashfjhasj!?, may ginawa ako kanina -- na siyang title ng post na ito. Pakita ko muna shoes ko, because I was so shooketh!!!


Took me three years to see this! And a blue light from the tricycle.

Alam niyo kasi, magulo talaga ako sa gamit. Akala niyo lang malinis akong bata pero dugyot talaga ko. Haha! Chos, not chos. 

Bumili ako last time ng boxes sa Lazada for my shoes. Medyo mura siya so binili ko. Mali pala ako ng piniling item. It was made of plastic pero hindi ganun ka hard para tumayo sila at maipasok ko ang mga sapatos ko. Ano na namang inisip mo sa hard, pagtayo, at pagpasok?



Ending, hindi ko ginamit. Naghanap ako ng bago. 'Yung Sunnyware Shoemate na. Uy! Gawang Pinoy pala iyon. Maganda, maganda. Feeling ko, shoe collector na ang peg ko. My shoes look loveleh inside their new shelter! I bought another set from Shoppee. Mas mura kasi sa pinaka distributor ang bulk. Pero pag isa-isa, medium, PHP150.00. Kapag dozen, nasa PHP130.00 to PHP135.00.


Iyong friend mong kala mo shoe collector.

Tinambak ko lang sa gilid 'yung unang plastic boxes (akala ko kasi talaga drawer type 'yung kinuha ko. Pare-pareho kasing itsura ay!). Nakita ni Noel, sabi ko sa kanya na lang. Eh nung tinry niya buuin, ayaw na rin niya. Hahaha! Tapos kanina naisip ko, gawin ko kaya silang organizer?


Tambakan ata talaga ito.

Ayon ang dahilan ng ka-busy-han ko kaninang hapon. Ayaw ko naman talaga ng arts and crafts tho nung mas bata pa ako, dahil mayabang ako at laging nasasama mga gawa ko sa art wall namin, feeling ko magaling ako. Pero eeeengkk! 

Ayaw ko ng mga gupit-gupit na iyan! Ayaw ko ngang gumagawa ng scrapbook! 'Yung values notebooks ko dati noong high school, puro marks lang ng highlighters. Design na raw 'yon for me.

Wala akong before nung drawer namin. Sayang. Inumpisahan kong tanggalin ang mga medyas at iba pang bagay na hindi na namin ginagamit sa drawer. Tapos napakarami ko na palang maluluwag at mga butas na medyas! Pinagtatapon ko na. Wow, decluttering before the new year comes! Naka isang large sando bag ata ako nang nadispose. Hindi lang naman medyas ang nandoon. Mga bra rin na nalakihan ko na. Wow, lumaki pala ako. Sana boobs ko rin. Chos.

And after, sinimulan ko na gupit-gupitin ang plastic boxes. Kinaya naman ng ordinaryong gunting na binili ko kagabi sa palengke.

Things needed for the improv or DIY organizer:
  • Plastic boxes (or kahit ata folder pwede na rito)
  • A pair of scissors
  • Double-sided tape or adhesive, ano mang tawag niyo ron
  • Ruler (pero hindi ako nag ruler. Para ito sa mga perfectionist nating mga kaibigan)
  • Presence of mind (kasi nag gugupit ka may nagcha-chat ng Ma'am Theaaaa! Paano po iyong...)
I cut the upper part of the box, or bottom, bahala na kayo ano pipiliin niyo, para from the top ang tirada natin. I also took out the door part. The boxes were a bit hard to fold so I used the handles of the scissors para mas matupi ko sila. I used the tinanggal na part sa itaas para mag serve as my dividers then using the double-adhesive, Dinikit-dikit ko sila. O di ba, dapat vlog 'to pero shy-type ako. Sa susunod na iyon. 




Tinyaga ko talaga siya, pati ako na shookt na nagawa ko sila! Haha! I am so happeeeeh!!!! Feeling ko, may lumabas na text sa pinaka gitna ng screen saying, Mission Accomplished!



Hello, socks and undies! Haha!

Kesa naman itapon ko sila, eh reduce plastic use nga raw especially single-use ones, ayan. Gamitin natin sa ibang bagay. Wow! #EveryFilipinoAnEarthWarrior ang peg! (Insert my own emoji wearing my Earth Warrior shirt. Teka, gagawa ako ng ganon. Sa ngayon, imaginine niyo muna pati 'yung shirt.)

Siyempre, ginawan ko rin sa part ng kapatid ko. And yes. Sa akin 'yung sa kanan. Those are my socks! Wala pang masyadong laman 'yung ke lil bro-bro kasi nakasampay pa mga socks niya.

Kaya ko lang naman naisip ito dahil bukod sa wala akong magawa, may bago kasi akong mga medyas. Haha! Gusto ko sila makita na maayos. Luh. Baka next week or pag start ng pasok, wala na 'tong dividers chenes mo, Althea!

At bukod diyan sa organizer na 'yan, kagabi, after namin mag badminton, kumain, at after ko mag troubleshoot ng mga bagay-bagay, tinry ko paganahin ulit mga relo ko. Dalawa sila. 'Yung isa kasi, dala ko na siya nung umalis ako. Papatignan ko sana pero siyempre, Past 11 P.M. na kami lumabas sa kainan, meron pa bang watch repair kaming madadaanan? Malamang, wala na. So nung bumili kami ng mga gamit ni Raquel, may nakita ako, nagtitinda sila ng watch batteries. Bumili ako.

Pagka uwi ko, wala nga pala 'yung mini screw drivers ko. Dapat bumili na ako kanina sa tindahan din sa palengke! Nawawala kasi, malay ko nasaan. Pero 'di tayo papatalo. Gumamit ng tiyane para mabuksan ang screws.

Pinalitan ko ng batteries 'yung dalawa kong relo. Akala ko pa, 'yung isa sira na talaga but wait for iiiiit!


Napagana ko na ulit silang dalawa. Whoo! Tho kelangan ko bilhan ng band 'yung Swap. Nanilaw na 'yung white band, eh. Oha! Bente lang ang puhunan! Sino papapalit ng battery ng wrist watch nila? Isang daan na, kasama na labor. Charooot!

At syempre, tungkol lang talaga sa akin ito. Salamat kung binasa mo man. Sana maging maganda ang mga susunod mong araw. Huwag na nating hintayin ang bagong taon para gumanda ang mga araw natin.

Tandaan. Kapag may nag flirt sa'yo, flirt back-flirt back din. Hindi pwedeng puro siya lang. Effort at try din nating umamin! Malay mo naman.

Comments