Image

qwertyLOVE 2


Umuwing luhaan si Ria. Oo, literal na umiiyak si Ria. Hinayang na hinayang siya dahil kaunting-kaunti na lang, isang dipa na lang ang layo nila mula kay Chad, nadapa pa siya. Iba talaga kapag pinanganak na lampa. Tatakbo na lang, naka rubber shoes na nga, nadapa pa. Tsk, tsk. Nang makarating siya sa bahay, hindi niya inintindi ang sugat niyang natamo sa kaniyang tuhod. Dali-dali niyang tinungo ang computer at tila masisira na niya ang keyboard habang tina-type niya ang status niya sa Facebook dahil sa pagka-inis niya sa nangyari. Siyempre, brinodkas niya ito sa lahat ng sites at gumawa ng blog sa multiply, live journal at tumblr. Sana sa isa na lang sa tatlo di ba? Iisa lang naman laman non, Ria.


2. Tinanong siya ng nanay niya kung ano ang nangyari sa araw niya at kinuwento naman ni Ria ang lahat nang nangyari with matching iyak pa. Imbes na maawa, tinawanan pa siya ng kaniyang nanay at pinangaralan pa. Binalewala lang lahat ni Ria ang sinabi ng kaniyang ina. Pinagmasdan na lang niya ang mukha ni Chad sa monitor na halos ingudngod na niya ang mukha niya rito. Pinakinggan niya ang ilan sa mga kanta ni Chad at sinabayan pa niya ito na parang siya ay nagkakaraoke..

“‘Wag nang magtaka,
O aking sinta
Kung ang aking mga mata
Ay wala na ang sigla.
Dahil nang ika'y lumisan,
Puso ko'y iyong iniwan
At ngayong ika'y wala na,
Puso ko'y di na muling iibig pa…”

Sa pagkanta niya, parang nalimutan na niya ang nangyari kanina sa sinehan. Nakangiti na siya dahil natuwa siya sa boses ni Chad. Hindi niya maintindihan kung bakit kapag malungkot siya, kinakailangan lamang niyang marinig ang boses ni Chad at OK sa all right na ulit siya. Masyado nang late kaya pinatulog na siya ng kaniyang ina. Habang paakyat, pinagsabihan siya nito dahil tuwing uuwi siya gabi-gabi, gabing-gabi na siya nakakatulog kagaya ngayong umuwi siya. Baka bukas sa eskwela ay tulog ito sa klase at napapabayaan na ang pag-aaral dahil sa idolo nitong si Chad. Ngumiti lamang si Ria dahil natatawa siya sa sinasabi ng kaniyang ina. Tila si Chad ang sinisisi ni Aling Ester kaya nagkakagano'n siya. Pero ang totoo Ria, kasalanan mo yan.

03

Comments