May TV script 'to. Pero hindi ko alam nasaan na ang copy. Doon ko raw nilagay ang twists of the story (nakalagay ang note na 'to sa dati kong blog. LOL.)
Bilang isang fan, ginagawa ni Ria ang lahat maging updated lamang sa activities ni Chad. Lahat na ata ng social networking sites, nag sa-sign up siya kagaya ng twitter, facebook, friendster (alive pa ba ‘to?), multiply, live journal, tumblr, blogger, myspace, haaay at iba pa. Kung isusulat ko pa lahat dito, baka mabore lang ang magbabasa. Going back, kaya ito ginagawa ni Ria ay dahil sa pagbabakasakaling makausap niya si Chad o kaya naman ay sumagot ito sa kahit isang post niya pati na rin ang pagnanasa niyang mabigyan siya ng fansign man lang. Wala siyang paki alam kung verified man o unverified ang account na fina-follow o nila-like. Wala siyang paki alam kung poser man o official ang i na-add niya. Papatusin niya lahat at baka sa isang iglap eh maka bingwit siya ng malaking isda mula sa mga ito. Kumpleto niya rin ang mga magazines na cover si Chad pati na ang pelikula ng idolong mahal, may mga original copies siya nito kahit napanood na niya sa big screen. Nakakahiya naman kasi kung pirated copy ang papapirmahan niya kay Chad. Baka mahuli pa siya ng Optical Media Board, delikado. Isama na ang cellphone niyang puro si Chad ang pictures at puro mga kanta niya ang naka store sa phone ni Ria ang maririnig mo.
Noong nakaraang mag premiere night ang pelikula ni Chad, pinanood iyon ni Ria kasama ang barkada niya. Wala siyang paki alam kung puno na at standing room na ang sinehan. Umupo man siya sa sahig, OK lang sa kaniya. Gabihin man siya ng uwi, ang mahalaga ay napanood niya si Chad. Baka nga swertehin pa siya na mahawakan ang kamay ng paboritong artista. Siguro, mamamatay na siya sa galak at kung makaka uwi pa siya, kung makaka uwi pa siya… baka hindi na niya hugasan ang kamay na inabot niya kay Chad at amuy-amuyin pa niya ito hanggang siya’y mahimbing na’t managinip.
At boom! Full house ang premiere night. SRO ang drama. Masayang pinanood nila Ria ang palabas at nang maglalabasan na, hinabol niya si Chad upang makamayan man lang. Sa kasamaang palad, natapilok siya’t nilampasan na ng iba pang fans. Pinagtawanan siya ng mga kasama niya na hindi naman to the highest level die hard fans ni Chad, di gaya niya.
Comments
What do you think, Awesome?