Image

qwertyLOVE 3

[Hindi ko nga pala ‘to linagyan ng dialogues dahil chinallenge ko sarili ko na gawin siyang parang feature story kung tama intindi ko. Pero habang ine-encode ko siya naisip ko, parang ang fail ko na naman. Nga pala, since fiction 'to, may mga lugar ditong totoo but it doesn’t mean nangyari nga ang mga pangyayari sa mga masasabing lugar.]


Isang napakagandang lugar ang nakita ni Ria. Nasa isa siyang parke. Napakagandang parke kung saan my fountain sa gitna kung saan siya nakatayo at mga magagandang bulaklak. Syempre may green, green grass and bushes. Pinagmamasdan niya ang paligid nang paglingon niya, oh my papa! Si Chad, may dalang bouquet of white roses, nakatitig sa kaniya habang naglalakad patungo sa direksyon niya. Natuod si Ria at di malaman ang gagawin. Palapit na nang palapit si Chad at nakatitig pa rin kay Ria. Inabot ng lalake ang bulaklak. Speechless ang lola niyo. Ang haba ng hair ni Ria! Lalo pang lumapit si Chad kay Ria. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ng dalaga. Unti-unting pumikit si Ria. Lalong lumapit ang mga labi ni Chad sa labi ni Ria. Tila hibla na lang ng buhok ang pagitan ng kanilang mga labi nang biglang narinig ni Ria ang sigaw ng kaniyang ina. Panaginip lang pala at ginigising na siya dahil papasok pa siya sa eskwela. Shame! Inis na inis si Ria dahil hahalikan na siya ni Chad, naudlot pa. Kahit sa panaginip man lang sana. Lalo tuloy nairita si Aling Ester dahil mas gusto pa ng anak matulog at managinip tungkol sa isang taong hindi siya kilala at hindi siya pinag-uukulan ng pansin kaysa bumangon at pumasok sa eskwela.

Nagkakagulo ang lahat sa eskwelahan. Hindi mawari ni Ria kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao sa lobby at napaka ingay nila. Maski ang Dean at professor ay nakikigulo sa mga estudyante. Oh wow. Dean at professors nagkakagulo? Nagtitilian? Anong meron? DARATING SI CHAD! Ano? Si Chad, darating? Imposible! Paano darating si Chad sa isang state university na pinapasukan ni Ria? To clarify things, nakigulo na rin si Ria. At totoo nga! Darating nga si Chad at tuwang-tuwa ang lahat. Darating ito upang magbigay ng mini concert para sa kaniyang Alma Mater. What? Teka saglit. Alma… Mater? Si Chad ay graduate ng isang public school? Alumnus siya ng Polytechnic University of the Philippines? Oh… My… Gosh. Pinatotohanan nga ito ng kanilang Dean. Graduate daw ng Bachelor in Broadcast Communication ang binata at naging estudyante pa nga raw niya ito. Magiliw na magiliw na nagkwento ang dean with matching sparkly eyes, wavy-landi hand gestures and kilig tone of the voice. Tila hindi isang dean ang kausap at kaharap ng mga estudyante. Nang magising na sa reyalidad ang dean na isa nga pala siyang dean sa kanilang kolehiyo, pinabalik na niya ang mga estudyante sa classrooms para makapag simula na sila ng kanilang mga klase. Hay nako Ma'am!

Kahit nasa classroom na ang lahat, hindi pa rin makarecover ang mga kababaihan sa narinig nilang darating si Chad sa susunod na araw. Pinuno nila ng tili ang classroom kasabay ng kanilang mga tsismisan at excitement. Nairita naman ang mga lalake sa kaingayan ng mga girls kaya naman may isang sumigaw. Si Jelo. Pupunta lang naman daw si Chad, nagtitilian pa. Si Chad lang naman iyon at sinabihan pa niyang bakla si Chad. Dali-daling nakarinig ng isang matunog at malutong na sampal ang lahat na siyang pumalibot sa buong kwarto. Nasampal ni Ria si Jelo. Nagulat ang lahat. Over-reacting na si Ria. Parang napakalaki ng kasalanan ni Jelo sa kaniya eh nagbibiro lang naman siya na alam naman ng lahat. Nagulat si Ria sa inasal niya. Humingi siya ng tawad na nauutal pa at bumalik agad sa upuan niya. Binaba ang kaniyang ulo na parang bata noong kindergarten at gradeschool kapag sinabi ni teacher na, 'sleep!’ Inisip niya kung bakit parang affected to the nth level siya. Nagiging OA na ata siya sa pagiging fan na pati biro, ginagawa niyang totoo.

[Darating nga kaya si Chad? Itutuloy]

04

Comments