Image

qwertyLOVE


One of my requirements back in college. Meh.

Si Chad ang most sought-after and highest paid actor-singer sa bansa. May hitsura, may talento pa ang artistang si Chad di tulad ng iba na puro hitsura lang. Nasa kaniya na ang lahat - ang karangalan, ang pangalan, ang pera, ang condo, ang mukha ng kagwapuhan ~ mga magagandang mata na kumikinang lalo na kapag siya'y tumatawa, ang matangos na ilong, ang mapupulang labi na parang halos lahat ng babae ay gusto itong halikan, ang perpektong ngipin na nagpapakilig sa mga babae tuwing siya'y ngumingiti na talaga namang killer smile at ang boses ng isang anghel na dagdag pogi points. Sa totoo lang, playboy si Chad. Tuwing gabi, kapag libre siya, tumatambay siya sa mga socialite clubs kasama ang mga babae. Well, iba’t ibang babae ang kasama niya gabi-gabi. Sa kagwapuhan ba naman ni Chad, tila lahat ng babae ay papayag na bumukaka para lamang sa kaniya. Lakas ng appeal ni Chad! Bagama’t nasa kaniya na ang lahat, tila may kulang. Hindi pa niya ito alam pero sa loob-loob niya, ramdam niya ang pagkukulang na hindi niya mawari.

Si Ria, isang kolehiyalang talaga namang nahuhumaling kay Chad. Palagi niya itong iniisip at minsan pa nga ay iniimagine niyang sila ay kasal ni Chad at masayang nagsasama kasama ang kanilang mga anak na kay ga-gwapo at kay gaganda. Kahit na alam niyang sa reyalidad ay langit at lupa sila ni Chad, patuloy pa rin ang pangangarap niya. Napapabuntong hininga na lamang ang dalaga tuwing natatapos o naiistorbo ang kaniyang panaginip dahil alam niyang nasa katotohanan na ulit siya at kahit sa kabilang buhay yata ay hindi maaaring mangyari ang ginugusto niyang magkatuluyan sila ng kaniyang prince charming na si Chad. Imposibleng, imposible.

Next

Comments