Alam kong hindi ako mabait pero mabuti akong tao (maski may pagka demonyo ako minsan). Pero ngayong araw*, ilang beses kong nadinig sa isang tao ang, Buti na lang mabait ka. (Maski once, someone was told by another, Tell Thea to be kind. Me internally: Can I directly tell people to use their brains?!)
Lupaypay na 'yung baso ng iskrambol ko at tunaw na 'yung yelo, hindi pa ako naka uuwi ng bahay. Supposed to be, ubos ko na 'to in less than five minutes habang naglalakad pauwi, maski habang hawak sa parehong kamay 'yung box ng Lola Nena's.
Habang naglalakad, may Aleng nag tangkang pahintuin ako. Kita ko sa peripheral ko maski hindi ko siya nadinig kasi naka earphones ako. Medyo hesistant na ako sa mga ganito kasi one time, may nagtanong sa akin (hindi direksyon) tapos pag uwi ko, narealize kong nawala 'yung 5k ko sa bulsa ko — maski sobrang alert ko nung oras na iyon na naka guard ako sa sarili ko. So hindi ko talaga alam kung siya ang naka kuha ng 5k ko sa likod na bulsa maski nasa harap siya at wala namang pumunta sa likod ko that time kasi nakatingin ako sa salamin ng sasakyan sa likod niya.
But anyway, sa inaraw-araw na ginawa ni Fafa God, laging may magtatanong sa akin ng direksyon. At lagi pa rin akong huminhinto, sinasabi ang sagot na alam ko, o kaya hahanapin sa telepono ko. Lord, 'yung totoo? Mukha ba akong mapa? Mukha ba akong matalino? O mukha lang talaga akong mabait? (Maski majority ng tao sa buhay ko will tell you otherwise sa mukha akong mabait.)
Hinahanap niya 'yung St. Victoria. Muntik pa akong mamali ng turo (well, technically I did), nag Google Maps na ako. Buti chineck ko ulit. At buti, pareho kami ng daanan. Kuwento niya, sinabihan kasi siya ng doktor niya mag libang sa Baguio. Maglakad-lakad daw siya, mag gala. Eh hindi naman lahat may perang pang Baguio. Kaya sa malapit na lang niya ginagawa. Dati siyang public elementary school teacher. May isang anak, apat na apo, at balo na.
'Di ko na nasamahan si Ma'am hanggang dulo. Pero basta, dire-diretso lang siya, huwag siyang liliko, maka uuwi na siya. Nasobrahan ata siya sa paglilibang. Lumagpas siya kalalakad.
"Buti na lang, mabait ka, anak."
"Ay, hindi naman po masyado (Ano ba dapat sinasagot sa ganito? Shet. Dapat pala, Ay, thank you po).
"Others will just ignore you. God bless."
Hanggang sa susunod na hinto. Hanggang sa susunod na tanong at sagot.
*This happened August 5, 2024
Comments
What do you think, Awesome?