Image

Lahat ng B: Mapagpatawad sa Lahat ng Kirot at Alaala




Lahat ng B book with a bookmark on top of a grayish mouse pad with white keyboard seen on top

Mga alaala, narinig niyang sabi ni Sara. Iyon ang meron tayo. Nakatingin pa rin siya kay Sara. Naiintindihan mo ba? tanong ni Sara. Iyon ang wala si Pio. Iyon ang atin lamang. 
 
- Lahat ng B, Nobela ni Ricky Lee (Karugtong ng "Para Kay B")
Nasa pagitan ng tatlo at apat na oras ang ginugol ko para matapos ang Lahat ng B, ang bagong nobela ni Ricky Lee. Pagdating na pagdating nito, ilang minuto, sinimulan ko na siya agad. Sabi ko, Challenge before midnight (New Year's Eve), matapos ang libro. 

I think it's an understatement that I literally broke down when I read that part above. Tatlo o apat na beses akong umiyak, mula umpisa hanggang dulo, sa pagitan ng mga pahina nito. Isang kabanata, iyak. Paglipat ng pahina sa isang kabanata, pagluha ulit. I can say na worth it ang pag iintay sa sequel. Hindi ko nga lang alam kung ganon din ba ang pakiramdam ni Lucas pagkatapos ng higit apatnapung taon. 

Medj cheesy para sa akin ang ending but it personifies the writer (Sir Ricky). Kumbaga, sabi nga niya, Ang nobela, akin lang. And that's what he did here. He owned it. Basta kapag binasa niyo 'yung Para Kay B tapos itong Lahat ng B, magegets niyo ako (I would like to believe).

I think there's reason kaya the chapters were in this kind of order — so there's a breather which Erica always provides. I don't enjoy crying but I can say I enjoyed crying through its chapters. Kung may hindi ako nagustuhan sa sequel (spoilers ahead, skip mo na 'to if ayaw mong ma spoil), ay ang nangyari kay Sara.

Ang sakit. Naramdaman ko ang kirot. Napaisip ako kung kinailangan ba talaga iyon sa kuwento. Bakit hindi kayang patawarin ng mundo sina Ester at Sara, kung hindi naman pagkaka sala ang pagmamahalan nila? Ang pag-ibig? Sa isang banda, oo, nagkasala sila kay Pio, pero hindi ba't mas malaki ang kasalanan ng lipunang mapang mata para sa pag-iibigan nila? Bakit laging ganon ang representation sa mga kuwento pagdating sa mga babaeng nagmamahal ng kapwa babae? BYG or better yet, DYG for this one (in case you know what BYG means, you'll understand. DYG is when you finish the story).

Sobrang sakit para sa akin kasi paborito ko ang kuwento nina Ester at Sara (bukod kanila Irene). Ang pag-ibig sa bubong. Sa Para kay B pa lang, kakaiba 'yung feeling ko nang mabasa ko ang mga katagang, Ang pag-ibig sa bubong. Pakiramdam ko, puno ito ng magic, as if it was a fairytale. Kasi sa pagkakasulat ni Sir Ricky, para akong nanonood ng pelikula. Na bigla na lang makikita ni Ester si Sara sa bubong, kasama lahat ng panning ng camera kasama ng emosyon mong pagkagulat at pagmamahal na si Sara pala ang makikita niya sa bubong. Hindi mo inaasahan na inaasahan mo. Hindi ko mapaliwanag; gaya nang hindi ko mapaliwanang ang lungkot at pag-iyak ko sa nangyari kay Sara.. Literal na napa hagulgol ako, napa yuko, at napayakap sa lamesa habang binabasa ang ending ng kuwento nila.

Kinabahan din ako sa anong pwedeng mangyari kanina Irene at Jordan. Kasi gaya ng pag-ibig sa bubong, para rin akong nanood ng pelikula kung saan nakita kong napatigil ang buong San Idelfonso kasama ang pagtigil ng mga nagluluto na naka pause ang kanilang mga shanse, nang sinabi ni Jordan kay Irene, Paglaki mo, pakakasalan kita, pagkatapos niyang ibigay ang napulot na cheap watch.

Subalit sa lahat ng mga masasakit na alaalang nagdudulot ng kirot, may mga alaala pa ring magbibigay ng saya at ngiti; na kayang magpatawad.

This ain't a sponsored post but if you feel like buying the book, you can get it from Lazada and Shopee.

Comments