Image

20 Notes From Last Night’s Usapang Lasing na Wala Namang Nalasing

 


Andami kong natutuhan kagabi kapalit ng pagtulog ko at syempre ng pera ko sa pagtitipid sa pamasahe. Mga hayup!


  1. Lahat may Main Character Syndrome. Pero magandang aware tayo at better if we have someone who can call us out. Also, dapat nagbabago. LOL. 
  2. OK palang pag-usapan ang break-up story na kinimkim mo lang at nasabi mo in person, out loud, Gets ko naman why you chose to side with her (and I know it was hard for you to make me feel you weren't taking sides), but it did look like I was the bad person when ako 'yung iniwan at siya ang nakipag break. That she made me feel like I cheated when there was no overlap (I can be anything but a cheater and a two-timer) and most especially, I chased after her too many times only to feel at the end, I’m only needed for convenience and she's getting the attention she wants because I’m making myself so available. (Hindi ito ang fresh break-up. Huwag kayong ano d'yan.) At masabi mo rin in jest when asked, Anong reaksyon mo when you learned na sila na? Oh. Sabi ko lang non, This is the guy she told me not to worry about. Sabay apir sa kaharap mo. Isa pang LOL (but masaya na tayo para sa kanya kasi, wala naman na tayong pake ro’n. Glad to be of your service na lang if I was just placed in your life to be part of your journey to identity — hindi ko dine-defend ang self ko, LOL uli. See my Main Character Syndrome here?!).
  3. Cemented my "Heterosexual problems" hanash when it comes to dating, initiating convos, and alike. Daming problema ng mga straight, jusq. LOL. Kailangan pa mag pakiramdaman sino magfi-first move (Yes, blame society). Tapos dami pang thrill of the chase. Say what you mean and mean what you say na lang kasi. (But since daming bare minimum enjoyer, sige, mahalaga, masaya ka. Kung masakit, sa dulo pa ‘yon.) How nice to be gay (sa part lang na ito)!
  4. Mas maraming branch ang polyamory kesa sa Science (talino ng Patron Saint of Online Dating natin d'yan).
  5. Use Telegram sa online dating. Huwag magbibigay ng real number. It's a trap. This info came from our Patron Saint of Online Dating.
  6. Size matters at some point. OK, wala akong rebuttal kasi anong alam ko rito?!
  7. May chance na tokis pa rin friend mo sa eyeball setup nang na meet niya online. 'Yung tipong three hours na lang, nang ghost bigla. Walang magbabago sa pamilyang ito (insert mura here). Pero joke among friends lang ito, kasi tokis talaga siya for reals. She had a good reason why she did that in the previous context.
  8. Burden pa rin palagi ng mga babae ang safety and responsibility kaakibat ng sex and pleasure. Bakit kailangang ikaw lagi ang magdala ng condom? Ask yourself din. And ask your partner, too.
  9. Usually, ang problema talaga sa trabaho ay ang mga boss or 'yung nasa management. Minsan, swerte mo kapag may kupal kang boss, eh. 'Yung tipong gusto pag awayin ang dalawang panig, nagsimula bigla ng discussion, iwas pusoy after. Tapos 'yung mga gaslighter at pailalim gumalaw na tipong betrayal of trust to all people. Mga boss na hindi ka pwedeng mag No. Mga mas matataas sa 'yong talented sa pagpasa ng trabaho (Profesh Volleyball Player 'yan?). Mga nag copy-paste na lang, hindi pa nag update ng figures (‘yun na lang gagawin). People in the management na alam na ngang may concern, ang sasabihin lang ay, Ganon na talaga 'yun, eh. Mga boss na may paborito (Anak ng diyos!). Mga nasa taas ang problema pero ang mga nasa baba ang pinagsasabong. Laging sistema ang problema na mahirap kumawala kaya kapag hindi mo mabago, napagod ka, maghahanap ka na lang ng ibang sistema kung saan ka magta-thrive. May mga taong hindi mo na kasi mababago (sige, mag play ka ng faces sa utak mo sinu-sino). Nag move on na ako sa episode na ito ng buhay ko, binabalik niyo kasi. Ang haba tuloy nito. Sana basahin mo pa ‘yung kasunod. Mas tunog matalino na ako sa next part.
  10. Once again proved that some of us live our lives through patterns. Usually, if may history ka na ng isang bagay, you tend to do it again (and again, and again). Character development naman tayo, oo.
  11. Pwede mong maubos ang mahal na pagkaing inorder mo, tapos hindi ka masarapan. At sabihin mong, Hindi ako gutom, while you are munching or finishing the same serving of rice in three to four hours. Naka apat ng set ng customer ang naglabas-pasok sa resto, kumakain ka pa rin. Wala. Kaya na nating gumasta ng pera, maski in this economy, eh. Kelangang panindigan ang alta branding. Bumili pa nga sapatos 'yan.
  12. Masaya at fulfilling mamili nang bagong sapatos, maski at lalo kapag mahal, kasi deserve mo 'yan. Kaya utang na loob, take your time to fit the pair properly. Isuot sa parehong paa. Or else, your feet will take the bullets. Sayang pera. Sinasayang na nga natin pera natin sa buwis.
  13. Huwag na kumain sa mga fusion restaurant, na pamahal, lalo kung nung sa pinaka una mo pa lang na try, alam mong ayaw mo na (maski ibang resto 'yun). At huwag niyong hinahaluan ng kung anu-ano ang mga pagkain, nagagalit si Lord!
  14. Napapagod at napapagod ang tao. And sometimes we manifest them in petty things gaya nang pagli-leave sa GC at pagtatampo. But are they invalid? They are. Lalo kung ilang beses ka na nag reach out tapos ni seen hindi kayang ibigay. So siguro reflect din bakit tayo nasasaktan sa dulo when hindi na ikaw ang priority kasi hindi na sila bare minimum enjoyer. Sige, isipin niyo pa sino pinatutungkulan. D'yan tayo magaling gaya nang pamumulis ng mga social media post.
  15. Smut literary pa rin over porn video. Mas dama ang feels. Wala, mga writer magkaka usap, eh. Apir na lang.
  16. Mapupudpod lang ang mga daliri mo (kasa-swipe) pero magsa-succeed ka rin! Again, quotable quote from our Patron Saint of Online Dating.
  17. Meron palang Online Dating App for Sapphics alone: Her (Late of me to know plainly because I don't use one).
  18. Siguro kapag pinauuwi na ng magulang, umuwi na. Nang pagdating mo sa bahay, matutulog ka na lang, wala nang pakikinig sa litanyang galit. Tapos don't forget to bring pasalubong sa kapatid para panuhol. Saka your susi, para if sinaraduhan ka ng gate at lock-an ng pinto, ikaw pa rin ang grand winner.
  19. Huwag mag night out ng Linggo kung hindi ka naman naka leave para sa 6 am shift mo ng Monday. Sabi kasing uuwi before magsara ang MRT, eh. Dami kasing big reveal nung Patron Saint natin.
  20. Pang huli, huwag matakot magmahal (ulit). OK lang kung hindi ka sigurado sa una. O takot ka munang subukan. I hope you won't restrict yourself from the pain and the delight (maski ilang beses mo nang naranasan). Allow yourself to experience them. 'Yung mga what if na 'yan, masasagot lang kung gagawin mo. We only regret the chances we don't take — and that's on us.


Comments