Image

Hello, Love, Goodbye.



Screenshot mula sa trailer ng Hello, Love, Goodbye na naka upload sa Youtube.


Nagsimula ang pelikula sa kung paano inilarawan ni Joy (Kathryn Bernardo) ang Hongkong. Kasabay ng kanyang voice over ay siya ring paggalaw ng bawat eksena. Sinabi ni Joy na, Hongkong is a place where no one stays still. Habang sinasabi ito, pinapakita rin ang mga eksena gaano ka-busy at gaano ka aligaga ang Hongkong at si Joy na tila ba hindi ka pwedeng huminga. Ilan sa mga eksena ay fast-cut, tila nagmamadali, may hinahabol. Masasabayan mo ito sa pelikula. Hindi ka rin hihinga hanggang tumigil si Joy kahit sinabi niyang hindi ka pwedeng tumigil. The visuals lived up well with the script.



Pero huminto si Joy, kabaligtaran ng mga sinabi niya. Parang metaphor, may isang taong magpapatigil ng mundo niya, na magpapatigil sa paggalaw ng magulong lugar ng Hongkong – si Ethan (Alden Richards). At dito ko nakita ang unang problema kay Ethan; mapansamantala sa sitwasyon. Pinakita ni Ethan na to love someone, you need to address the needs or probably, create the need. 

Domestic Helper si Joy sa Hongkong. Ibig sabihin, ito lang ang pwede niyang maging trabaho. Hindi siya pwedeng maghanap ng ibang trabaho o kaya ay sumidetrip sa gabi, mag waitress, magbenta ng kung anu-ano. Pero dahil kailangan niyang mag ipon para makumpleto niya ang halagang kailangan sa kanyang Visa papuntang Canada at makapagsimula bilang nurse at maabot ang mga pangarap, sumugal siya. Nagtrabaho siya bilang waitress sa isang bar kung saan bartender si Ethan. 

Nagsimulang tumakbo si Joy para hindi mahuli ng mga pulis. Gaya ng sabi niya sa simula, hindi ka pwedeng huminto. Nagtago siya sa basurahan, lumabas, inakala niyang wala na ang mga pulis hanggang sa nagkunwaring pulis si Ethan. He took this opportunity. I can’t imagine the stress this has caused Joy. Imagine being a person who is afraid to get caught, you’ve run a mile just to take chances to be free so you can continue your life and maybe next time, you will be chasing your dreams instead of being chased by the police. 

Alden was a stalker. He wasn’t romantic. But honestly, Joy also took advantage of Ethan and used him for her own sake – to be free from the police, to be free from an ex-love, and to be free from the family problems she has even just for one night. 

Hindi na tinigilan ni Ethan si Joy. Joy kept saying No yet Ethan never learned to respect boundaries. Pina-announce sa radyo, nagkunwaring buyer ng mga produkto ni Joy para lang makita siya, pinakyaw ang mga tinda ni Joy, hanggang sa he addressed what she needed, but it wasn’t what Joy really needed. Joy needed to be her own, not as a woman to whom I think Ethan prefers – that women are just a side trophy or a relic to whom he can get the drive and energy to keep going. Joy, like all other women, has dreams. Like Ethan’s ex who came back to town to which, surprisingly on this scene, for the first time ever, hindi tumanggi si Ethan sa pag hindi ni Joy. Sa mga unang eksenang sinusuyo at ini-stalk niya si Joy, lahat ng hindi ni Joy ay ginagawa niyang oo. Para kanino? Para sa kanya. 

Sa buong pelikula, gusto kong sabihin kay Ethan na, Tang in*. This is not about you. Joy has dreams. If you can’t figure out your own dreams, stop keeping her from flying! But gladly, Joy didn’t need anyone to make her realize this because she knows what she wants. Pinatunayan ni Joy na nasa kanya kung gugustuhin niyang huminto o magpatuloy. Kung hahayaan niyang maging kagaya na lang ng Hongkong na tila wala kang choice kung hindi ang magpatuloy o umalis ng Hongkong para magpatuloy sa ibang paraan at huminto rin kung kinakailangan. 

Sa paghabol ni Joy sa kanyang mga pangarap at pagpili sa kanyang sarili, nakita ko ang feminist perspective ni Molina. Parang sa lahat ng ginawa niyang pelikula, ito ang kakaiba at, nagtagumpay siya rito. Pinakita rin ng pelikula kung paano nagagawang baguhin ng mga lalake ang tono ng bawat pangyayari. Bukod sa kung paano nagawa ni Ethan na sagutin ang mga pangangailangan ni Joy, ang kwento ng nanay ni Joy na si Maricel Laxa. At sa totoo lang, mas maganda ang kwento ng character ni Maricel kaysa sa pag iibigan ni Joy at Ethan. The movie, was more than how an OFW’s life is but it was also about women, of different generations, making choices; for themselves. 

At sa tagpong ito, mas pinakita lamang kung gaano ka selfish si Ethan. Ethan used Joy’s sadness as a silver lining and downplayed the whole scenario when Joy learned the truth about the separation of her parents. Baka naman sinasabi ni Lord, ang ibig sabihin nito, huwag ka nang pumunta ng Canada, non-verbatim na sinabi ni Ethan kay Joy. 

Ethan, bakit ka ganyan? Hindi mo man lang binigyan ng moment na magalit at malungkot si Joy. Again, hindi ito tungkol sa’yo. Hindi ikaw ang point but again, you had your way to make it about you. 

Sa kabilang banda, makikita rin sa pelikula kung paano pinortray ni Molina ang set-up ng pamilyang Pilipino sa character ni Ethan. ‘Yung akala ng lahat may choice ka pero wala pala, pagdating sa pamilya. Ethan could’ve just gone to Canada and come with Joy but he chose to stay not because he wanted but because he needed. At ang maganda rito, unlike sa mga pasaring niya kay Joy na huwag nang tumuloy ng Canada, hindi siya sinabihan ni Joy sa kung ano ang dapat niyang gawin. 

Evident din ang play on opposites ni Molina sa sitwasyon nina Joy at Ethan. Si Ethan bilang isang taong nasa place of privilege at si Joy bilang wala sa lugar na ito pagdating sa trabaho. Kagaya ng gender dynamics sa lipunan. Lalaki ang mas mataas, lalaki ang mas may privilege, kung titignan. 

All in all, bagamat hindi ko pa rin maramdaman ang pagtransition ni Kathryn sa older roles, baka dahil sa mukha talaga siyang bata, naniniwala akong Kath gave a brilliant performance during the whole movie. Siya ang nagdala ng pelikula at hindi si Alden. Some parts, his acting was off for me, especially when he tries to be funny while fixing his cap after their pseudo one-night stand. 

Ngunit hindi mo pa rin masasabing peminista ang buong pelikula. Sa beauty contest na sinalihan nina Joy, (na isa ring dahilan kung bakit ko nasabing brilliant ang performace ni Kath sa pelikula), maririnig ang ilan sa audience, mga kaibigan ni Alden, na nangfa-fat shame sa isang contestant. It made me cringe, despite how the movie depicted that the crowd was having fun. 

Magaling ang pagkaka-cast ng pamilya ni Alden. Halos magkakamukha silang tatlo ng mga kapatid niya at maski ang gumanap nilang Tatay. 

Unfortunately, with everyone saying Alden and Kathryn had a chemistry, I did not feel it. I kept on thinking what if it was DJ instead? Pero buti na lang at hindi dahil magmumukhang The Hows of Us ang pelikula pero binaligtad ang kwento ng characters nina Kath at DJ. Si Kath na ang naghahabol ng pangarap niya at hindi si DJ. 

Open-ended ang pelikula kung titignan natin ang tungkol sa relasyon ni Joy at Ethan. The ending gave possibilities to each of their own journey. Magiging maayos ba ang career ni Joy sa Canada? Susunod ba si Ethan at iiwan ang pamilya niya? Babalik ba si Joy para kay Ethan? Molina gave the audience the freedom to think of whatever they want to think of, be it a happy ending or not. 

At sa mga huling tagpo ng pelikula, makikita pa rin na kung ano ang dulo ay siya ring simula. 

Naguguluhan din ako sa sinulat ko, hindi lang kayo. Hehe.

Comments