Image

The Table by the Window

Matagal ko nang gusto ng mesa sa kwarto then last time, lil bro-bro said he wants a table.

Me: Ba't magme-mesa ka pa? Eh gagraduate ka na? Ah, oo na. Sa review mo.
Noel: Ikaw nga, tapos ka na mag-aral, gusto mo pa rin ng mesa!

(OK, point taken.)


Sabi niya, Sasabihin ko pa naman sana, regalo mo na lang sa akin.

Kaya naman kahapon, bumili kami ng table niya slash namin (pinag aawayan pa rin namin talaga kung kanya ba o amin. Haha!)

Lil Bro-Bro figuring the manual out. Lol!

Apat na oras naming inassemble kagabi! Wala kaming maayos na screw drivers. Dapat talaga inuwi ko 'yung tools ko (na binigay sa akin) na nasa office! Ang hirap ikabit nung maliliit na screws sa drawer!


The first ones. Ang mga A1 screws base sa manual.
Pinahirapan kami ng drawer(s) na 'to. Dalawa 'yan sila!

After four hours, di pa rin namin natapos. Kasi ang ingay na namin kaka pukpok, gabi na. Haha!

So kanina, tinry ko ilagay yung hinges...

Nakabit ko naman! Yehey! Ito na lang kasi ang kulang. Ito pa naman 'yung may screws gaya sa drawers na pahirap.


Tada! Tapos na after 44 minutes! Kasi naman. Maling knife kinuha ng kapatid ko kapalit ng screw driver. Ang hirap tuloy ikutin kagabi. O baka mahirap talaga siya sa drawers. Haha! Tama pala Nanay namin kung ganun nga.



Comments