May bigla akong naalala dahil sa Healing Your Inner Child discussion. Though medyo malayo ito, pero inner child pa rin naman ata. (HAHAHA!)
Christmas Party. Elementary. Grade two ba 'yun o baka three. Bring your own baon ang napagka sunduan. Mga kaklase ko, may dalang Jollibee, Shakey's, and others. Basta mga naka box na galing fast food or resto. Tapos ako, the morning of that day, binilhan ako ni Aling Gina nang napakaraming snacks kanila Kuya Dan (sari-sari store). Napuno 'yung malaking blue tote bag ko!
Napansin ng teacher ko mga kinakain ko. Ilang beses niya akong inofferan ng ibang food pati mga kaklase kong maki-share sa baon nila. At napakaraming beses ko ring tumanggi na gusto ko na atang umuwi nang ma enjoy ko lahat ng snacks ko in peace. I appreciated the generosity, don't get me wrong, pero a part of me that time couldn't understand why they had to ask me again and again and why the looked sad nang makitang maliit na Choco Knots ng Jack 'n Jill 'yung nasa kamay ko that time. Maski tinuro ko 'yung bag kong marami pang laman. (Of course, alam ko na 'yun ngayon pero hindi ako sumasang-ayon sa kung may negative silang naramdaman that time.)
Hindi ba nila gets na sobrang saya ko sa mga Jack 'n Jill snacks ko?! Kasi 'yun ang first time na binilhan ako ni Aling Gina ng ganon karami, may doble pa. At hinayaan niya ako mamili ano bibilhin. Like, dalawang Choco Knots, isa o dalawang box ng Pretzel (imbes na 'yung maliit na pack), mga pack ng Dewberry at Cream-O. May Piattos at Nova pa nga ata ako!
I think this moment was so special and joyful to me because it seemed like a special occasion that Aling Gina bought me plenty of snacks and the snacks of choice were the expensive ones (like I want Pretzels over Choco Knots so I got it, I got them both).
Don't worry, OK pa mga kidney ko. Pwede pa ibenta kung kakailanganin.
(Pero hindi ko maaalala kung na impluwensyahan ako nung nangyari na baka nainis pala ako kay Nanay pag-uwi or what. Baka pala isa akong batang kontrabida sa pelikula no'n. Ayan, may disclaimer bago niyo isiping napaka buti kong anak eh napapagod na nga ako magpanggap na mabait na panganay sa social media.)
*I created the illustration. Borrowed Noel's iPad. Haha!
Comments
What do you think, Awesome?