Punuan na ang biyahe.
Naiwan na ng bus ang babae.
Kinabig ni manong ang lalake.
Na snatch ang cellphone ng ale.
Ngunit hindi na niya nahabol,
Sabi niya, Di na bale.
Bumagsak sa finals si Totoy,
Mas inuna niya pa kasi makipagdota
Kay Pareng Caloy.
Tumingala sa langit ang bata,
Namutawi sa bibig ang mga sana.
Na sana may anghel,
Na sana matupad,
Mga hiling niya sa mga bituing mapapalad.
Bumusina ang jeep,
Nag ingay ang lahat.
Ang mga tao nagkalat.
Paligid ay nagdilim.
Hindi na masisilayan
Ng bata ang takipsilim.
Anyare?
Natapos na ang biyahe.
Malapit ka na gumarahe.
Sarili ay iyong ihehele.
Gamit ang iyong ukelele.
Wala lang.
Hindi ko maalalang sinulat ko ito, kung kailan, kung saan, kung bakit.
Comments
What do you think, Awesome?